Matthew 13:31-32

Ang Paghahalintulad sa Buto ng Mustasa

(Mar. 4:30-32; Luc. 13:18-19)

31Ikinuwento pa sa kanila ni Jesus ang paghahalintulad na ito: “Ang kaharian ng Dios ay katulad ng isang buto ng mustasa
mustasa: Itoʼy isang uri ng mustasa na mataas.
na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid.
32Ito ang pinakamaliit sa lahat ng buto. Ngunit kapag tumubo at lumaki na, nagiging mas mataas ito kaysa sa ibang mga halamang gulay, na parang punongkahoy ang taas, at pinupugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”

Copyright information for TglASD